old people
March 4, 2010
ayokong-ayokong nakakakita ng matanda na sumasakay sa jeep. nasasaktan puso ko. pag nakakakita ako ng ganon, naiisip ko kagad papa ko. naiisip ko na, “ayokong makita syang ganito, ayokong pagdaanan nya yung ganito.” nalulungkot akong isipin na darating yung panahon na tatanda na talaga sila ng sobra.
tapos kanina din, habang bumibili ako ng lumpia. may nakita akong matanda na may bitbit na box ng biscuits, binebenta ata. tapos alam mo yung ambagal-bagal nya kumilos, parang hinang-hina, tapos puti na yung buhok na tapos pagod na pagod yung mata nya. grabe, pinagiisipan ko talaga na bumili nalang ng biscuit, kaso nabayad ko na sa lumpia yung pera ko e. haiiii. mahina talaga ako pagdating sa mga matatanda.
naalala ko dati, hahatid ako ni daddy sa school, 5am ata non, may nadaanan kaming matandang lalake na may bitbit-bitbit na sako tapos hawak-hawak na manika. T_T naisip ko, napulot nya siguro yung manikang yon, tapos ipapasalubong nya sa anak nya o sa apo nya. grabe, grabe iyak ko non. namamaga mata ko pagbaba ko ng LRT station. ambabaw talaga ng luha ko, badtrip. nahihirapan ako makakita ng taong nahihirapan e. mahina ako don. arrrr.
gusto ko pagdating ni daddy at mommy sa stage na ganon, yung nanghihina na sila.. gusto ko tapos na sila sa pagtatrabaho para sa pamilya namin, gusto ko nagpapahinga at nagpapasarap nalang sila sa buhay sa mga panahon na yon. ako naman ang magtatrabaho para sa kanila. :]
sila naman papasalubungan ko.
sila naman bibilhan ko ng gamit.
sila naman yung papatayuan ko ng bahay.
sila naman yung aalagaan ko.


